Sa ilalim ng puno
sa ibabaw ng banig
maikli,
kalbo,
at bungisngis
ang tumutula.

Ngayon
nang mapalingon ako
aba’y
matangkad na,
mahaba na ang buhok,
at seryoso
ang nasa ilalim ng puno,
nasa ibabaw ng banig.

Subalit
kasinlaya pa rin ng habagat
kasimpanatag pa rin ng dagat
ang paanyaya sa aking
sumulat.