Bente siyeteng taong ika’y narito
sa mundong mahiwaga’t puno ng enkwentro
Bawat araw na dumaan
nadaragdagan ng kulay ang
buhay mong puno ng saysay.

Mga leksyong pinahusay ang
iyong karanasan.
Mga kaibigan at pamilyang
nagsisilbing ilaw at gabay.
Mga pagsubok na pinatapang ang
iyong pagkatao.
Mga ala-alang lalo pang pinatamis
ng panahon.
Puso ko’y nag-uumapaw sa saya
na sa iyong ika-28 kaarawa’y
kapiling na kita.
Nais kitang ipagdiwang! Maligayang kaarawan, sinta ❥