Kabanata I
May sumpa ata talaga ang bawat biyahe ko ng Bicol. Parating may nadidisgrasya tuwing bumabiyahe ako roon. Heto kararating lang ng terminal ng Isarog sa Turbina. Kabababa lang ng tricycle nang biglang nagkaroon ng banggaan ng tatlong sasakyan sa gitna ng kalsada katapat ng terminal. Nabangga ng nasa gitna ang likod ng nasa unahan. Nadamay lang ang pangatlo sa likuran dahil sa pagtigil ng nasa gitna. Wala namang nangyaring pagtatalo. Tumagal ng halos isang oras ang usapan. Pero umalis din ang dalawang sasakyan. Ang isa hindi na aandar magisa. Naghintay ng tow-away na magdadala rito sa saan mang talyer.
Naghiyawan ang mga naghihintay sa terminal ng Isarog nang dumating ang huling St. Jude bus na biyaheng Virac. Mga ginang at matatandang may kasamang iisang lalake. May nagwagi sa pustahan at nagmamalaki nang nakataas ang mga kamay. Alas tres ng hapon pa raw ay nandito na sila paliwanag ng isang ginang sa isang lalakeng pasaherong nagtanong kung anong meron. Hoy mga ticket niyo! Sigaw ng dispatcher na kill joy. Ito na po ang huling biyaheng Virac ha? Wala na pong susunod. Sumakay na po lahat ng pa-Virac. Pasensya na po ulit sa delay. Sabi naman ng isa pang babaeng dispatcher. Nagsiakyatan na ang mga ginang, naupo, at nagsisandal sa kanilang mga upuan, ang ilan hindi nakapagpigil mapapikit ang mga matang kanina pa nagaabang.
Realization while reading on Bicol religous culture:
There is so much I don’t know about the faith practiced by more than 90 percent of the population. My non-Catholic upringing has shielded me from practically any deep understanding of Catholic faith and its nuances among its regional variations. The boundaries between non-Catholic faiths and the Catholic faith is never porous because we are taught to avoid that which is different. Because we don’t understand our religions, we don’t understand each other.
Kababata III
Kubo houses along the zigzag road to Tiwi.