Pagkatapos umorder naglalakad ako papunta sa kaibigan kong Deaf na kaparehas ko ng pangalan. Inilatag ko sa mesa ang tray na may isang cup ng kanin sa plato at dalawang putahe: pritong isda at chopseuy. Inalis ko ang mga pagkain mula sa tray at sinimulang kalasin ang kutsara’t tinidor mula sa tissue. Hinarap ko si buloy at sinenyas ko: EAT. Dahil nauna na sakin ?, nagsimula na niyang kaninin ang adobong manok at pakbet na inorder naman niya.