Makinis ang kaliwa niyang kamay; may peklat ng matinding paso ang kanan.
Idinadampi niya ang nalapnos na kamay sa niyebe.
Ang lambak ng Beacon ay ulong ubanan.
Paano nalapnos at sino ang nilisan mo?
Wala akong nilisan kundi hinahanap ko ang pintig ng daigdig.