Kapag ganitong mga buwan sa Santa Maria
walang ibang maririnig
kundi ungal ng mga palaka.
Dumudungaw tayo sa bintana
at makikitang naglaho na ang Kordilyera.

Dahan-dahan tayong dadayuin ng makapal na hamog
na tahimiki na magmamartsa sa himig
ng mahinahong ulan.

Hindi tayo lalabas ng bahay
at pipigilan natin ang ating mga sariling
magayuma ng kwarto at kama.

Dahil baka bukas makalawa
malulusaw ang bagyo
at muling matutuyo ang habagat
at ilang linggo uli tayong maghihintay
sa init ng isa’t-isa.