Blankong langit
Mababang mga ulap
Bundok na nagpakita ng hubog
Tunog ng kampana sa malayo
Umiindayog na mga puno
Pipit na sinusubukang lumipad
Nakaupo sa damuhan
Bisikleta sa likuran
Bumabalot na kadiliman
Katahimikang inaasam
Kapayapaang natagpuan
Dadalhin pauwi, di na muli bibitawan