v3
Palalo ako’t naglalakad
upang magpalamig,
takasan ang uminit nang upuan
sa kwarto, makipagniig
sa musang nagbabasbas ng tula
doon lamang sa mga kalsadang
binabalot ng naghalong angep
at singaw ng pataba, samantalang
silang mga halos kasabay
naglalakad din, bitbit
ng kanilang matitigas na daliri
ang matitigas ring sombrerong dilaw
na maghapong naging pananggalang
sa nahuhulog na mga tapyas ng bato,
sa walang awang init,
ang mga bota’t sapatos nila
nagiiwan ng mantsa
ng malabnaw pang semento
ngayon, dito sa Pili Drive,
ang madaratnang ulam
kung meron man
ang tangi nilang pakay.
v2
Palalo ako’t naglalakad
upang magpalamig,
takasan ang mainit na upuan
sa kwarto, makipagniig
sa musang magbabasbas ng tula,
samantalang silang mga halos kasabay
naglalakad din, nakasabit
ang matitigas na sumbrero
sa matitigas nilang mga daliri
ang mga bota’t sapatos
nagiiwan ng mantsa
ng malabnaw pang semento
sa Pili Drive,
ang madaratnang ulam
kung meron man
ang tanging pakay.
v1
Palalo ako’t naglalakad
upang magpalamig
takasan ang mainit
na upuan sa kwarto
makipagniig
sa musang magbabasbas
ng tula, samantalang
silang mga halos kasabay
naglalakad rin nakasabit
ang matitigas na sumbrero
sa matitigas nilang mga daliri
ang mga bota’t sapatos
nagiiwan ng mantsa
ng malabnaw pang semento
sa Pili Drive
ang madaratnang ulam
kung meron man
ang tanging pakay.