Mali ang higa kaya mali ang tayo. Hindi pikit kundi bulag na ang kabayo. Aapat na tableta sa iisang lapad. Pakitapalan naman ang antok ko sa leeg.
May mga kamay tayo (at kilay rin). Ang matres mo pakibaba na. At baka manipis ang tuwalya. Susubukan kong ibalik ang nahulog mong ulo.
Lumot ang resibo ng ilang araw na ulan. May estudyante nanamang humipo ng baril. Isang pisil ng asin sa maligamgam na tubig. Dito—may bukol kang humahatak sa lahat ng litid.